:: ENGLISH ::
 
PANAWAGANG BAYAN                         OCTOBER 24, 2008

Ipinababatid sa mga kamag-anakan at kaibigan na pumanaw na si Gng. Alma Escurel Crucillo ng Biñan, Laguna noong Oct. 19. Nakaburol ang kanyang mga labi sa Arlington Memorial Chapel, Heaven’s Park, Old National Highway, Biñan, Laguna at ililibing sa Linggo, Oct. 26, alas nuebe ng umaga. Maaari kayong tumawag kay Emilie Fajardo sa # 0917-8586676.

Nawawala ang 11 taong gulang na si Rodel Nacario Jr. simula noong Oct. 20. Nananawagan ang kanyang amang si Rodel Nacario Sr. sa sinumang kumakalinga sa kanya na mangyaring ipagbigay-alam lang sa #1076 Int. A. Bonifacio, Balintawak, Q.C.

Kung sinuman ang nakapulot ng backpack na naglalaman ng NBI clearance, certificate at iba pang mahahalagang papeles na pagmamay-ari ni Llyod Sayson Escartin, pakisauli lang sa #3252 Guyabano St., Kalawaan, Pasig City o di kaya mag-text sa 0926-2071825. Naiwan ang naturang backpack sa taxi noong Oct. 21.

Napulot ni Leny Sebare noong Oct. 17 ang gray wallet na naglalaman ng Postal ID, LTO permit at iba pang dokumento na pagmamay-ari ni Myra Lih Agsaulio ng #10 Salivio St., Lower Bicutan, 4th District, Taguig City. Maaari ninyong kunin ang iyong wallet sa #37 Gumamela St., Roxas Dist., Q.C. o di kayay tumawag sa CP # 0909-9739370.

Tinatawagan ang lahat ng Engineering graduates ng Bulacan State University o dating Bulacan College of Arts and Trades, Malolos, Bulacan. May homecoming kayo sa Disyembre 7, 2008, alas diyes ng umaga sa BulSu Hostel. Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag kay Engineer Nick Dela Rama sa (044) 791-3948.

 
 
 
 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement