:: ENGLISH ::
 
Text mula kay Michelle, 22 years old ng Tondo, Manila


Bakit po ganun Dr. Love, kung sino pa ang mabuti, iyon pa ang kinukuha ni Lord. My father just died last Tuesday, kung kailan pa naman graduating po ako ng fourth year college.

Dr. Love
Michelle, I am so sorry to hear that, please accept my deepest condolences. Alam mo Michelle, hindi totoo na kung sino lang ang mabuti siyang kinukuha ni Lord. Lahat naman tayo kasi Michelle, may kanya-kanyang panahon ng pagsapit ng magnanakaw sa hatinggabi. Kanya-kanya tayong may nakatakdang panahon na hindi natin alam kung kailan darating. Tanging Diyos lang ang nakakaalam niyan. Kaya nga sa buhay natin ditto sa lupa, ang bawat sandali ng buhay natin sa lupa ay kinakailangan nating maluwalhati ang Diyos sa uri ng ating pamumuhay. Kailangan palagi tayong nakahanda kung sakali man at kunin tayo ng Panginoon, nakahanda tayo. Meron tayong lamparang may ilaw. Hindi katulad ng iba na kung kailan darating ang Panginoon, at saka lamang naghahanda. Hindi natin alam kung kalian siya darating. Hindi natin alam kung kalian magpapantay ang ating mga paa. One thing is for sure, lahat tayo dadaan sa kamatayan. Sapagkat pagkatapos ng kamatayan, doon natin haharapin ang buhay na walang hanggan.

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement