:: ENGLISH ::
 
WWWOW [Welcome to the Wonderful World of Winnie]


Hello beautiful people of the Philippines, mabuhay! Ito po ang inyong lingkod, live and alive, Winnie Cordero. Napapakinggan ninyo sa DZMM kasama si Ariel Ureta, Lunes hanggang Biyernes, 10:30 hanggang 12:00 ng tanghali, sa programang Todo Todo Walang Preno.

Napapanood rin po ninyo ako sa ABS-CBN Channel 2, tuwing 5:15 hanggang 8:30 ng umaga araw-araw sa programang Umagang Kay Ganda.

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa walang sawa ninyong pagsubaybay sa aking mga programa, maparadyo at telebisyon. Kaya naman inilaan ko ang pagkakataong ito upang maibahagi ko sa inyo ang ilang kabanata sa aking buhay. Para “close” tayo. Mula rin sa website na ito, maari kayong makakuha ng favorite recipes at practical bahay at buhay tips mula sa aking sariling karanasan at mga nababasa at nasubok din naman sa mga panahong nagdaan. At kung nais ninyo, maaari rin ninyo akong hingan ng payo tungkol sa bahay at buhay. Malay nyo, makatulong ako sa inyo. Patuloy ko rin kayong kukuwentuhan ng mga bagong “turo ng buhay” na aking nararanasan sa araw-araw.

O pa’no? Eh di mag-umpisa na tayo...

PANIMULA
Taong 1996-1997. Nakakwentuhan ko sa garden ng ABS-CBN si Joey Galvez. Nabanggit niya na naghahanap ang DZMM ng bagong boses para makasama niya sa kanyang showbiz program sa tanghali na Showbiz Today.

Noong panahong iyon, aktibo na ako sa entertainment. Lahat ng aking regular shows ay sa ABS-CBN, pero nakukuha rin naman akong mag-guest sa mga programa ng GMA 7, ABC 5, RPN 9 at IBC 13. Aktibo rin ako sa paggawa ng pelikula, pagho-host ng mall shows at corporate events. Nakukuha na rin ako sa commercials. Pero nagsimula ang lahat sa entablado...

Hindi pa ako ipinapanganak, para nang entablado ang panimula ng buhay ko.

Ako ay unang anak nina Narciso B. Callejo at Florentina V. Mangalonzo. Ang Tatay ko ay ipinanganak sa Maynila ngunit ang kanilang angkan ay tubong Narvacan, Ilocos Sur. Ang Mama ko naman ay ipinanganak sa San Isidro, Nueva Ecija ngunit lumaki sa Maynila. Tutol ang mga magulang ng Mama ko (Francisco at Iluminada Mangalonzo) sa pag-iibigan ng mga magulang ko. Mukhang hindi raw gagawa ng matino ang Tatay ko. Nang sila ay nagtanan, lubos ang kanilang galit, lalo na ng Lolo ko. Kaya isang tiyuhin lang ng Mama ko ang naghatid sa kanya sa dambana nang sila ay ikinasal.

Kapwa itinakwil ng mga magulang, naging mahirap ang kanilang pagsisimula. Ang unang trabaho ng Tatay ko ay messenger na may kitang diyes sentimos bawat sulat. Hindi agad nakapagtrabaho ang Mama ko dahil buntis siya sa akin. Ngunit naranasan din niyang maging saleslady sa isang maliit na department store sa Escolta. Di niya gaanong natagalan ang trabahong ito dahil namimitig ang kanyang binti sa pagkakatayo nang matagal. Kahit mahirap ang buhay, hindi naman kami sumala sa pagkain. Naibili rin ako ng mga laruan. Kapag may sobra, nakakatikim din kami ng fried chicken at pancit canton galing ng Robina na nasa Sta. Mesa Market pa nung araw (SM Centerpoint na ito ngayon). Nakakapasyal din kami sa Luneta. Simple lang ang buhay naming noon, walang luho dahil para sa Mama ko, dapat mauna ang importanteng pangangailangan sa araw-araw tulad ng pambili ng pagkain, pambayad sa bahay, tubig at kuryente. Ang sosobra ngayon ay dapat itabi upang mapaglaanan ang kinabukasan. Karamihan ng gamit ko ay bigay o regalo ng mga kamag-anak. Minsan mga pinaglakihan ng mga pinsan kong marangya ang buhay. Tuwang-tuwa ako ng isang hapon nagising akong may malamig na hanging humahampas sa aking mukha. May electric fan na kami! Ito yung may tatak na Standard, na ang elisi ay metal pa. Naku sobrang tibay po naman dahil hanggang ngayon ay gumagana pa. Pinilit ng Tatay kong makabili ng TV para matigil ako sa bahay namin. Lagi kasi akong nasa mga Lolo’t Lola para makapanood ng TV dahil wala nga kami nun.

Oo nga pala, napatawad na ng mga Lolo’t Lola ko sila Mama at Tatay nang ipinanganak ako. Tuwang tuwa sila sa akin. Cute na cute daw ako at bibong bibo pa. Hindi raw ako mahiyain. Pag sinabing sayaw, todo hataw raw ako, sa ibabaw pa ng mesa. Pag sinabing kanta, birit naman daw ako ng favourite song kong “Where Do I Begin” ni Paul Williams, theme song ito ng pelikulang Love Story nung araw. Sa pag-arte naman, para akong robot na pingalalaruan ng mga tiyahin ko. Pag sinabing “iyak!”, iyak naman ako, take note, may luha. Pag sinabing “tawa”, hahalakhak naman ako. Hindi ako masyadong uto-uto noon, masunurin lang. Ang katapat ng aking mini show... masarap na tsokolate.

Dito na yata nagsimula ang “showbiz career” ko.

Habang lumalaki ako, nahilig ako sa pagsasayaw. Basta sayawan, bida ako. Malambot daw ang katawan ko at graceful. Maging sa eskwelahan, bida ako sa sayawan. Elementary sa Sta. Mesa Parochial School sa may Stop ‘n Shop sa Sta. Mesa at high school sa Immaculate Heart of Mary College sa Sta. Mesa pa rin.
Naiba ang aking sining nang tumuntong ako ng kolehiyo. Nadiskubre ko ang Teatro.
Nung first year college pa lang ako sa UST (Faculty of Arts and Letters)nung 1983, naging miyembro ako ng Aritstang Artlets. Taga-ayos pa lang ako ng costume at magme-make-up sa artista. Nung nasubok ng pamunuan ang talent ko, ayun, tuloy tuloy nang namayagpag ang aking “career”.

Third year college ako at nagme-major na sa Communication Arts, naging kaklase ko si Ate Siena (Siena Olaso) na regular nang lumalabas sa pambatang programang Batibot. Siya ang nagsabi na may audition sila para maging miyembro na pool of talents ng kanilang programa. Nagbus ako papuntang University of Life sa Pasig, doon ang opisina ng Children’s Television Workshop na produksyong may gawa sa Batibot. Nag-audition. Natanggap. Fifty pesos ang isang script, katumbas yun ng isang segment na 3-5 minutes, minsan mas maikli pa. Nakasalamuha ko sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Madam Bola at iba pang mga puppet. Masaya. Lalo pa’t kumikita na. Minsan binibigyan nila ako ng tatlo hanggang limang scripts. Nakabus akong pupunta ng studio, nakataxi naman akong uuwi.

Minsan, kinausap ako ng aming director sa Batibbot na si Kokoy Jimenez, tinanong niya kung interesado rin akong gumawa ng ibang show na comedy naman ang tema. Syempre sabi ko “OO”. Naging katotohanan ang usapang iyon matapos ang anim na taon.

Habang ako’y nag-oopisina sa San Miguel Foods Corporation (opo, nag- corporate din po ako), nakatanggap ako ng tawag mula sa isang Tammy Quirino. Siya raw ang Executive Producer ng Executive Champoy, a revival of the former Champoy of Noel Trinidad and Subas Herero. She said Kokoy Jimenez, their director, recommended me to be part of their supporting talents. At dito nagsimula ang lahat.

Five hundred bawat araw, twing Biyernes, binabaybay ko ang EDSA mula sa Taguig, kung nasan ang aming opisina, upang humabol sa aming 6pm call time. Siyam na buwan kong ginawa yun. Bago namaalam sa ere ang programang Executive Champoy, kinausap na ako ni Malou Sevilla, dating executive producer, ngayon ay isang nang director ng mga programa sa ABS-CBN at Star Cinema. Halos sabay na ini-offer sa akin ang maging kasama sa mga programang Ang TV at Abangan Ang Susunod Na Kabanata. Nagustuhan daw ni Mr. M (Direk Johnny Manahan) ang acting ko. Yun palang parang idinuyan na ako sa ulap, idagdag pa na makakatrabaho ko ang mga bigating komedyente sa industriya, sina Nova Villa, Tessie Tomas, Noel Trinidad, Rhoderick Paulate, Sammy Lagmay at iba pa. Walang puwang ang pagtanggi.

Naging si “Liwanag” ako, ang bungangerang asawa ni Sammy Lagmay at “Titser” naman sa Ang TV. Sinundan pa iyon ng Sineskwela at Sang Linggo Napo Sila. Guestings din sa ibang programa at projects sa pelikula. Ang una kong pelikula ay ang “Dino: Abangan Ang Susunod...” kung saan bida si Anjo Yllana. Si Joey Marquez ang director. Maswerte ako at nakatrabaho ko ang mga batikang director na sina Chito Rono, Maryo J. Delos Reyes, Peque Gallaga at Lorie Reyes, Jose Javier Reyes, Mel Chionglo at marami pang iba. Nakasama ko rin sina Dolphy, Elizabeth Ramsey, Nora Aunor, the Apo Hiking Society, Kris Aquino, Philip Salvador, Elizabeth Oropesa, Joey de Leon, Christopher de Leon, Regine Velasquez at maraming marami pang iba. Masyadong hahaba kung iisa isahin ko pa.

Nang natanggap nga ako sa DZMM, si Joey Galvez ang nagturo sa akin ng mga dapat malaman sa radio broadcasting. Mula sa tamang pagsasalita at pakikinig, paggalang sa kapwa broadcaster, musika, timing at tamang phasing. Mula sa Showbiz Today, nilipat kami sa hapon kasama si Giselle Sanchez sa programang Prrt Teka Muna. Barangay Showdown tuwing Linggo kasama si Martin D ng WRR. Sa kasalukuyan, Todo Todo Walang Preno, una kong kasama si Joey, pero kinailangan niyang magconcentrate sa kanyang Loveliness a madaling araw kaya pinalitan naman siya ni Ariel Ureta.

And that’s the story of my career in show business, at least part of it. Sana nag-enjoy kayo sa aking munting kuwento. Masabi ko lang na maraming naituro sa akin ang radio. Sa bawa’t araw ng pagbo-broadcast dapat aktibo ang isip at motor receptors. Presence of mind. Multi-tasking. Diction o tamang pagpili ng salita. Intonation. Hindi madali. Mahirap. Ngunit masarap sa pakiramdam. Isang importanteng aral na natutunan ko: Higit na importante ang pakikinig sa radio kaysa pagsasalita. Dahil kung dito nagsisimula ang lahat.
 
RECIPE FOR THE WEEK

CHICKEN INASAL WINNIE STYLE
Let me clarify. I called this recipe Winnie Style because I concocted it by mere taste and observation from other ways inasal was made by others. I gathered that one of the basic ingredients in creating the significant taste of this dish is ginger. So, go get yourself the freshest ginger in the palengke because we will use lots.

2 Whole Chicken (quartered)
Rubbing mix: 2 cups of pounded ginger
Salt and pepper
Marinade: ½ cup Calamansi juice
A dash of Patis ( very little)
Basting: ½ cup Vegetable Oil
1 whole Ginger pounded
1 tbsp atsuete

Wash the chicken thoroughly and put deep slits on the meatier parts like the thigh, legs and breasts. This will help you cook the chicken easier. Mix the rubbing ingredients together and rub it all over the chicken. Make sure that you do all sides. Then pour calamansi juice and patis. Marinate at least for two hours or even longer.
While waiting, you may do our basting solution. Heat oil in sauce pan. Put ginger and atsuete. Continue frying until you smell the ginger aroma as the oil turns red. The atsuete will also add a smokey flavour. Strain the oil.

Heat your grill and carefully grill your chicken. Keep a water sprayer on standby to control the fire and avoid burning your chicken. Remember we are using oil for basting. Brush the chicken with ginger oil as often as possible. If you need to cut through the meat more to enhance cooking, just do so. It’s important to cook the chicken through and through.

Serve hot with rice (steamed or Fried) and spicy vinegar on the side.
Saraaap!
 
HOUSEHOLD TIP FOR THE WEEK
Cut down your electric bill by keeping you drinking water in an insulated jug with lots of ice to last the whole day. Opening and closing our ref doors shoots up our electricity. This drinking jug will avoid that. Plus you will have more space to use in your ref.
 
SHARING
One time, my husband and I went to watch a movie. While waiting for the show to start, we decided to eat lunch. I was sitting on the table alone while my husband waited for our orders. It was the fast food area of the mall, so there were lots of people greeting me as they recognized me from our morning show, Umagang Kay Ganda.

One man approached me and introduced himself as Pastor Felix. He said he was overwhelmed seeing me because he just loves what I do on TV and radio (he said he also listens to Todo Todo). In fact he was so overwhelmed that he wanted to pray for me. Yes, pray over me in the middle of the fast food area. Although I appreciated what he was telling me, I was also cautious and hoped that my husband will come to me. I discreetly held my bag closer, thinking it might be a decoy of sorts. But as he preached me words from the bible, I started to think of the meaning of all of these. Is this a test? So I just listened. Maybe I can learn from this. So, Pastor Felix preached, even quoting verses from the bible and finally prayed over me.

At this point, I was the one overwhelmed. I affected this person so much that he gathered his guts to approach me, teach me the words of the Lord and prayed that I may continue sharing my talents to others. I felt his sincerity and I just went with the flow.

Amidst the negativity that abounds us these days, we must still have an open heart to be wary of the Lord’s messages to us. A lot of us may be constantly haunted by stress over work and family that we let good things pass. We hear, and sometimes be witnesses, to crimes that we sometimes lack, if not none at all, trust. And no matter where we are, from the busiest mall or the quietest church, there’s always a time and a chance to pray. Maybe, a simple “thank you” in easily finding a good parking space. We must find it in us to let the Goodness of the Lord find its way to our hearts.

Thank you, Pastor Felix.
posted by Winnie
 
 
 
 
 
 
 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement