Dinagdagan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang calamity fund. Inaprubahan ng Pangulo ang paglalabas ng P1.75 bilyong pandagdag sa pondo sakaling muling dumanas ng matinding kalamidad ang bansa. Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na galing ang pondo sa savings ng gobyerno. Matatandaang tinumbok ni Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na halos naubos ang calamity fund ng nakaraang administrasyon at malaking bahagi umano nito ang napunta sa lalawigan ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Sa national convention ng Liga ng mga Barangay, tinukoy ni Pangulong Aquino ang 66 lalawigang nasa panganib ng pagbaha at landslide ngayong tag-ulan. Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16
Dinagdagan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang calamity fund.
Inaprubahan ng Pangulo ang paglalabas ng P1.75 bilyong pandagdag sa pondo sakaling muling dumanas ng matinding kalamidad ang bansa.
Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na galing ang pondo sa savings ng gobyerno.
Matatandaang tinumbok ni Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na halos naubos ang calamity fund ng nakaraang administrasyon at malaking bahagi umano nito ang napunta sa lalawigan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sa national convention ng Liga ng mga Barangay, tinukoy ni Pangulong Aquino ang 66 lalawigang nasa panganib ng pagbaha at landslide ngayong tag-ulan. Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16