Sunday, September 05, 2010
Kakulangan sa piloto, itinuturong dahilan ng mga flight cancellation
Posted: 1:15 PM  07/31/2010

Kakulangan sa mga lisensyadong piloto ang idinahilan ng Philippine Airlines (PAL) kaya may nakanselang mga biyahe ng eroplano.

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC), sinabi ni PAL Corporate Communications Head Jonathan Gesmundo na kinansela ang ilang domestic at international flights bunsod ng usapin sa flight deck crew, partikular ang kakapusan sa piloto, dahil may mga nag-resign kapalit ng mas mataas na sweldo.

Dahil sa shortage, ina-upgrade ng PAL ang flights sa mas malaking eroplano para ma-accomodate ang mga pasahero.

Tiniyak naman ni Gesmundo sa publiko na patuloy silang gumagawa ng paraan para maibalik sa normal ang kanilang operasyon.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement