Nasa 200 bilanggong sentensyado ang inilipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungong Ramon Penal Colony sa Zamboanga City. Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Superintendent Antonio Cruz na ang paglilipat ay bahagi ng kanilang decongestion program o pagpapaluwag ng bilangguan. Dagdag ni Cruz, karamihan sa mga inilipat na bilanggo ay mga tubong-Mindanao. Tiniyak naman ni Cruz na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ng Zamboanga City sa pagkakaroon ng karagdagang convicts dahil maayos ang seguridad para matiyak na walang makakatakas. Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng mga inilipat na convicted prisoners ay rape at robbery na nangyari sa Maynila.
Nasa 200 bilanggong sentensyado ang inilipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungong Ramon Penal Colony sa Zamboanga City.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Superintendent Antonio Cruz na ang paglilipat ay bahagi ng kanilang decongestion program o pagpapaluwag ng bilangguan.
Dagdag ni Cruz, karamihan sa mga inilipat na bilanggo ay mga tubong-Mindanao.
Tiniyak naman ni Cruz na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ng Zamboanga City sa pagkakaroon ng karagdagang convicts dahil maayos ang seguridad para matiyak na walang makakatakas.
Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng mga inilipat na convicted prisoners ay rape at robbery na nangyari sa Maynila.