Sunday, September 05, 2010
BAYAN, dismayado sa di pagkakasama ng human rights violation sa sakop ng Truth Commission
Posted: 5:26 PM  07/31/2010

Nadismaya ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) dahil hindi isinama sa iimbestigahan ng Truth Commission ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao noong rehimeng Arroyo.

Sinabi ni BAYAN Secretary-General Renato Reyes na dapat ipaliwanag ng Palasyo kung bakit hindi isinama ang isyu ng human rights gayong nakakuha pa nga ito ng international attention.

Tanong ng grupo, bubuo pa ba ng hiwalay na komisyon ang Malakanyang para sa naturang isyu o kuntento na ito sa naging findings ng anila'y walang ngipin na Melo Commission at Philippine National Police (PNP) Task Force Usig.

Kahapon, matatandaang pinirmahan na ng Pangulo ang Executive Order (EO) No. 1 na nag-uutos ng pagbuo sa Truth Commission na mag-iimbestiga sa sinasabing mga anomalya ng nakalipas na administrasyon.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement