Sunday, September 05, 2010
Dating Pangulong Arroyo, tumanggi munang magkomento sa EO No. 1
Posted: 5:30 PM  07/31/2010

Tumanggi munang magkomento si dating Pangulo at ngayo'y Congresswoman Gloria Arroyo sa ipinalabas na Executive Order (EO) No. 1 ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na nagbubuo sa Truth Commission.

Sinabi ng tagapagsalita ni Cong. Arroyo na si Maria Elena Bautista-Horn na masyado pang maaga para magkomento rito ang dating pangulo dahil marami pang kulang na detalye sa komisyon.

Tanging ang chairman pa lang aniya ang napangalanan, na si dating Chief Justice Hilario Davide, at wala pang naitatalagang miyembro.

Binanggit ni Bautista-Horn na sa isang komisyon, dapat mayroong chairman at apat na miyembro bukod pa sa mga staff nito.

Isyu pa rin aniya ang mga rules at procedures ng Truth Commission kaya aalamin muna nila kung paano ito magpa-function.

Binuo ang Truth Commission upang imbestigahan ang lahat ng iskandalong kinasangkutan ng dating administrasyon.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement