Sunday, September 05, 2010
PAL, kakasuhan ang mga pilotong hindi nagreport sa trabaho
Posted: 5:33 PM  07/31/2010

Kakasuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pilotong hindi na nagreport sa trabaho matapos nilang magsumite ng resignation letter.

Sinabi ni PAL Corporate Communications Head Jonathan Gesmundo na karamihan sa mga pilotong ito ay may utang pa sa PAL kaugnay ng pagbibigay sa kanila ng aviation school training na umaabot ng milyun-milyong piso kada isang piloto.

Giit ni Gesmundo, ang walang habas na pagbibitiw ng A-320 pilots nang dahil lang sa hindi kayang tumbasan ng PAL ang suweldo ng trabahong tinanggap nila sa abroad ay paglabag sa kanilang kontrata.

Gayundin aniya sa patakaran ng gobyerno kung saan inoobliga ang mga magbibitiw na piloto na bigyan pa ng anim na buwan ang PAL para makapagsanay ng kanilang magiging kapalit. With report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement