Nailatag na sa Luneta grounds sa Maynila ang higanteng photo mosaic ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang bahagi ng paggunita sa unang anibersaryo ng kamatayan nito bukas. Pinangunahan mismo ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang paglaladlad ng giant photo mosaic ng kanyang ina na may laking 250 feet by 196 feet o katumbas ng 10 basketball courts. Binubuo ito ng 4,000 litrato ng dating pangulo, may bigat na apat na tonelada, ginastusan ng kalahating milyong piso at halos walong buwang pinagtulung-tulungang gawin ng mga photographer at supporters ni Ginang Aquino. Sa kanyang talumpati sa seremonya, pinuri ni Pangulong Aquino ang mga nagawa ng kanyang ina para sa bayan, gayundin ang mga pangaral nito sa kanya para sa ikabubuti ng bansa. Sinabi ng Pangulo na ang photo mosaic na ito ay simbolo ng pagmamahal at respeto sa kanyang ina gayundin ng pag-asa para sa ikagaganda ng buhay ng bawat Pilipino. Bukod kay Pangulong Aquino, dumalo rin sa seremonya si Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Alfredo Lim na sama-samang umikot sa higanteng tarpaulin para tingnan ang mga litrato. Bukod sa paggunita sa kamatayan ng dating pangulo, ilalaban din ang "Tita Cory sa Luneta" mosaic sa Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking photo mosaic sa buong mundo. Ididisplay ang photo mosaic sa Luneta grounds malapit sa Quirino Grandstand sa loob ng pitong araw. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol
Nailatag na sa Luneta grounds sa Maynila ang higanteng photo mosaic ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang bahagi ng paggunita sa unang anibersaryo ng kamatayan nito bukas.
Pinangunahan mismo ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang paglaladlad ng giant photo mosaic ng kanyang ina na may laking 250 feet by 196 feet o katumbas ng 10 basketball courts.
Binubuo ito ng 4,000 litrato ng dating pangulo, may bigat na apat na tonelada, ginastusan ng kalahating milyong piso at halos walong buwang pinagtulung-tulungang gawin ng mga photographer at supporters ni Ginang Aquino.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, pinuri ni Pangulong Aquino ang mga nagawa ng kanyang ina para sa bayan, gayundin ang mga pangaral nito sa kanya para sa ikabubuti ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang photo mosaic na ito ay simbolo ng pagmamahal at respeto sa kanyang ina gayundin ng pag-asa para sa ikagaganda ng buhay ng bawat Pilipino.
Bukod kay Pangulong Aquino, dumalo rin sa seremonya si Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Alfredo Lim na sama-samang umikot sa higanteng tarpaulin para tingnan ang mga litrato.
Bukod sa paggunita sa kamatayan ng dating pangulo, ilalaban din ang "Tita Cory sa Luneta" mosaic sa Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking photo mosaic sa buong mundo.
Ididisplay ang photo mosaic sa Luneta grounds malapit sa Quirino Grandstand sa loob ng pitong araw. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol