Sunday, September 05, 2010
Low pressure area, namataan sa may Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa
Posted: 6:55 PM  07/31/2010

Namataan ang isang low pressure area (LPA) sa may Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa.

Namataan ng PAGASA-DOST ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 280 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa kaninang alas dos ng hapon.

Nakakaapekto naman sa Visayas at Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Makakaranas ang Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao ng maulap na papawirin na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Samantalang ang nalalabing bahagi ng Luzon, makakaranas ng bahagya habang sa maulap na papawirin na may kasamang manaka-nakang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement