Kumbinsido ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Navy na desperado na ang Abu Sayyaf Group kaya pinasok na rin nito ang mga ilegal na aktibidad gaya ng narco terrorism at small-time kidnapping.
Katunayan, kapwa sinabi nina PDEA Director Dionisio Santiago at Navy PIO Chief Lieutenant Colonel Edgar Arevalo na may mga hawak silang ebidensya na magpapatunay na ang Abu Sayyaf ang nasa likod o protektor ng mga nadiskubreng ekta-ektaryang marijuana plantation sa Sulu.
Ayon kina Santiago at Arevalo, ang pondong mula sa ilegal na droga ang ginagamit ng Abu Sayyaf sa kanilang terrorism activities.
Bukod ditto, pumapatol na rin umano ang bandidong grupo sa small-time kidnapping na ilan sa pinakahuling biktima ay mga humanitarian aid workers, nurse at isang nursing student.