Idinaan sa biro ng ilang myembro ng gabinete ng Pangulong Arroyo ang kanilang reaksyon sa kontrobersyal na dasal ni Press Secretary Jesus Dureza.
Nag-sign of the cross muna si Presidential Management Staff Chief Cerge Remonde bago nagpa-unlak ng interview sa media.
Ipinakita rin nito ang kanyang bitbit na prayer book at rosaryo, at sinabing kanya-kanya lang daw style ng pagdarasal
Giit pa ni Remonde, hindi dapat na bigyan ng kulay ang dasal ni Dureza dahil wala naman daw talagang plano ang Pangulo na manatili sa palasyo ng lagpas sa 2010.
Wala rin daw plano ang Malakanyang na salain muna ang mga opening prayer tuwing cabinet meeting at welcome pa rin ang media na i-cover ang mga aktibidad ng Pangulong Arroyo.