May aasahan pang pagbaba sa presyuhan ng tinapay at iba pang produktong gawa sa imported na trigo.
Ito ang tiniyak ni Trade Secretary Peter Favila matapos lagdaan ng Pangulong Arroyo ang Executive Order 765.
Sa ilalim ng naturang kautusan, suspendido sa loob ng anim an buwan ang ipinapataw na limang porsyentong taripa sa imported na trigo na ginagawang harina.
Umaasa ang DTI na lalong sisigla ang kumpetisyon sa merkado ng mga produktong gawa sa harina na timing ngayong kapaskuhan.
Suspendido rin naman sa loob ng anim na buwan ang taripa sa imported na semento.