:: ENGLISH ::
Oil price rollback, mamaya na

Simula mamayang alas dose uno ng hatinggabi, bababa ng piso kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng Shell, Petron at Chevron.

Bababa rin ng dalawang piso kada kilo ang presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG ng Petron.

Maging ang Eastern Petroleum ay magbababa rin ng piso kada litro ng gasolina, diesel, kerosene at auto lpg mamayang hatinggabi gayundin ang PTT Philippines Corporation.

Habang alas sais naman ng umaga bukas magrorollback ang Jetti ng piso sa kada litro ng diesel, gasolina at gaas.

Ang panibagong rollback ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.

OTHER NEWS



>>archive<<
 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement