Dumating na sa Basilan ang mahigit 200 myembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force na tutulong sa internal security operations ng lalawigan.
Bukod sa mga ito, handa na rin ang may 300 Basilan police, mga elemento ng First Marine Brigade na makakaagapay ng mga ito sa pagtugis sa Abu Sayyaf.
Matapos ang retraining, ipadadala rin sa Basilan ang mga elemento ng Marine Battalion Landing Team 9 (MBLT9) mula sa Palawan para tumulong sa operasyon.
Papalit sa MBLT9 sa Palawan ang Marine Battalion Landing Team 8 na minsan na ring napasabak sa mga bandido sa Basilan noong nakaraang taon.
Samantala, itinalaga bilang Basilan Provincial Director si Senior Supt. Abubakar Tolawi kapalit ni Senior Supt. Salik Macapantar na itinalaga bilang Directorial Chief of Staff ng Police Regional Office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).