Wednesday, March 10, 2010
Security preparations para sa 2010 elections, sinimulan nang ilatag ng PNP
Posted: 7:03 PM  07/03/2009

Inilalatag na ng Philippine National Police ang kanilang security preparations para sa 2010 elections.

Ipinag-utos ni PNP Chief Director-General Jesus Verzosa sa kanilang mga units na tukuyin ang mga lugar na dapat na tutukan ng pulisya o mga itinuturing na election areas of concern.

Sinabi ni Verzosa na ito ang gagamiting reference ng national headquarters para sa bubuuing strategic decisions, kabilang na ang pagde-deploy ng security forces, structuring ng mga lokal na unit ng pulisya at availability ng resources.

Nilinaw din ni Verzosa na patuloy nilang isasailalim sa validation ang mga lugar na matutukoy na election areas of concern.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement