Sa harap ng pagkakaayos na ng Smartmatic at Total Management (TIM) Corporation, dapat daw madaliin na ng dalawang kumpanya ang preparasyon para sa automation ng 2010 elections.
Sinabi ni Monsignor Pedro Quitorio, tagapagsalita ng Catholics Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaunting panahon na lang ang nalalabi bago ang susunod na eleksyon.
Kaya dapat aniyang mabilis na trabahuhin ng Smartmatic at TIM ang poll automation.
Giit ni Quitorio, na kailangan ang mabilis na pag-aksyon ng TIM at Smartmatic dahil inaasahan ng sambayanan ang pagkakaroon ng malinis na halalan kasunod ng bilyong-bilyong pisong halaga ng poll automation project.