Friday, March 12, 2010
Malacañang, ikinagalak na nasa kustodiya na ng gobyerno si Mayor Ampatuan
Posted: 3:39 PM  11/26/2009

Ikinagalak ng Malacañang na nasa kustodiya na ng gobyerno si Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. na siyang itinuturong suspek sa Maguindanao massacre.

Muling tiniyak ng Palasyo na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

Pero dumistansya ang Malacañang sa pagsuko ni Ampatuan kay Presidential Adviser on Mindanao Affairs Jesus Dureza na siya ring pinuno ng local crisis committee sa Maguindanao.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na hindi nanggaling sa Pangulong Arroyo ang utos na kunin na si Ampatuan dahil na rin sa mga banat na tinatanggap ng Malacañang sa kabagalan ng pag-aresto sa suspek sa krimen.

Desisyon aniya ito ng crisis committee na siyang pinagkatiwalaan ng Pangulo para resolbahin ang Maguindanao massacre.

Pasado alas onse y medya kanina nang sumuko at isalin si Mayor Ampatuan ng kanyang pamilya kay Dureza at saka inilipad patungong General Santos City.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement