Inaasahang makalalaya na ngayong araw si Marlene Aguilar matapos makapagpyansa sa Quezon City Prosecutor's Office kagabi sa kasong 'obstruction of justice'. Inihayag ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na dalawa lang ang naging bisita ni Aguilar sa magdamag, ang kanyang kapatid na si Antonio Aguilar at ang abogadong nagdala ng pamalit na damit. Si Aguilar ang pang-24 na detainee sa detention cell ng NBI na binubuo ng 13 babae at 11 lalaki. Nabatid na katabi ng selda ni Aguilar ang kulungan ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Sr. na pangunahing suspek sa Maguindanao massacre. Binanggit naman ni Atty. Angelito Magno, hepe ng NBI Special Action Unit, na sakop na ng kasong 'obstruction of justice' ang kasong 'harboring' o 'coddling of criminal' kaya hindi na kailangang isampa ang nasabing kaso. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37