Friday, March 12, 2010
Mga ginang, nagprotesta laban sa mataas na presyo ng asukal
Posted: 2:25 PM  02/08/2010

Sumugod sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila ang mga ginang ng tahanan upang iprotesta ang mataas na presyo ng asukal.

Nais ng mga ginang na kasapi ng Samahan ng Maralitang Kababaihan na i-rollback ang presyo ng asukal sa P43 pesos kada kilo mula sa P52 na suggested retail price (SRP) na itinakda ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Neri Guerrero, chairperson ng naturang samahan, na walang dahilan para itaas ang presyo ng asukal dahil wala naman daw talagang shortage at hindi naman daw imported ang asukal natin.

Matapos ang pag-iingay sa naturang palengke, nagtungo ang mga ito sa Welcome Rotonda at nagbanta nang mas malaking protesta sa Miyerkules.Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement