Thursday, March 11, 2010
Opinyon ng jail official, hihingin ng DOJ kaugnay ng pagkukulungan sa mga Ampatuan na nahaharap sa rebellion case
Posted: 2:29 PM  02/08/2010

Hihingi ang Department of Justice (DOJ) ng opinyon mula sa warden ng Quezon City Jail hinggil sa kakayanan ng nasabing bilangguan na doon ikulong ang mga Ampatuan habang dinirinig ang kasong rebelyon na kanilang kinakaharap sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Sinabi ni State Prosecutor Lamberto Fabros na inatasan sila ni QCRTC Judge Vivencio Baclig na maghain ng komento sa petisyon ng mga Ampatuan na hwag muna silang ilipat ng custody mula sa General Santos City patungo sa Quezon City.

Gayunman, iginiit ni Fabros na ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) o ang warden ng Quezon City Jail ang mas nakakaalam kung handa na nga itong tanggapin ang mga Ampatuan sa nasabing bilangguan, kaya hihingi na rin ito ng written comment para isumite sa korte bukas.

Sisimulan namang dinggin ang usapin sa Kampo Crame, bukas, kasabay ng mosyon ng mga Ampatuan na dapat, talakayin muna ng korte kung may probable cause para ituloy ang kasong rebelyon.Report from Nelson Lubao, Radyo Patrol 33

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement