Thursday, March 11, 2010
Pagpapalawig sa 3% tariff exemption sa importasyon ng harina at semento, inaprubahan ng Pangulong Arroyo
Posted: 2:39 PM  02/08/2010

Inaprubahan ng Pangulong Arroyo na palawigin pa ng anim na buwan ang exemption sa tatlong porsyentong taripa sa importasyon ng harina at semento.

Sinabi ni Trade Secretary Peter Favila na kaninang tanghali ito inaprubahan ng Pangulo nang makipagpulong sa mga negosyante, base na rin sa rekomendasyon ng Committee on Tarrif and Related Matters.

Noong Enero pa kasi natapos ang 3% duty-free exemption sa importasyon ng harina at semento.Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement