Matapos ang isang linggo, pinakawalan na ang isang Yemeni national na dinukot sa Marawi City, Lanao del Norte.
Sinabi ni Army 103rd Brigade Commander General Rey Ardo na pinalaya si Najibal al-Udaini.
Matatandaang dinukot si al-Udaini na miyembro ng international non-government organization na nagtatayo ng mga religious school at mga mosque sa Mindanao noong Enero 29, habang pabalik sa kanyang hotel sa Marawi City.
Inihayag ni Ardo na patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa naturang dayuhan.