Saturday, July 31, 2010
Bangkay ng isang Pinay na natabunan ng gumuhong supermarket sa Haiti, natagpuan na
Posted: 3:45 PM  02/08/2010

Natagpuan na ang bangkay ng isang Pinay na natabunan ng gumuhong Caribbean Supermarket sa malakas na lindol na tumama sa Haiti.

Sa ulat ni Lt. Col. Lope Dagoy, commander ng 10th Philippine Peacekeeping Contingent sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakuha ang bangkay ni Mary Grace Fabian alas onse ng umaga sa Haiti kahapon, o kaninang madaling araw sa Pilipinas.

Narekober ang mga labi ni Fabian ng mga tauhan ng Central National Equipment Retrieval Team sa tulong ng ilang myembro ng Philippine contingent sa pangunguna nina Corporal Eric Dedales at Senior Navy Officer 1 Carlo Dangcalan.

Positibong kinilala si Fabian ng mister ng katrabaho nitong si Geraldine Lalican na hanggang ngayon, pinaniniwalang natatabunan pa rin ng guho.

Nakilala si Fabian sa pamamagitan ng uniporme nito, ng kanyang buhok at suot na kwintas.

Kaagad namang nagdesisyon ang kapatid ni Mary Grace Fabian na si Rosalyn Fabian na ilibing ang labi nito sa national cemetery ng Port-au-Prince.

Narekober ang katawan ni Fabian, tatlong linggo matapos yanig ng magnitude 7.0 na lindol ang Haiti noong Enero 12. With report from Henry Atuelan

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement