Saturday, July 31, 2010
Comelec, nagpaalala sa mga kandidato kaugnay ng pagsisimula bukas ng kampanya para sa national candidates
Posted: 3:57 PM  02/08/2010

Isang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa mga national candidate, nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na sumunod sa ipinatutupad na panuntunan ng komisyon sa panahon ng pangangampanya.

Partikular na ibinabala ng Comelec ang pagpapaskil ng mga campaign materials sa mga lugar na labas sa common poster area tulad sa mga lansangan, tulay, mga pampublikong gusali o istraktura, sa mga puno, poste at mga kawad ng kuryente, eskwelahan at iba pa.

Sinabi ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na kapag nakitaan ng paglabag, agad nilang aabisuhan ang mga kandidato at bibigyan ng tatlong araw upang tanggalin ang kanilang mga campaign paraphernalia kundi, sila na mismo ang magbabaklas nito.

Hinimok din ni Larrazabal ang mga kandidato na maging mabuting halimbawa at sundin ang isinasaad ng batas.

 

Magsisimula ang kampanya para sa mga national candidate, Martes, Pebrero 9.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement