Saturday, July 31, 2010
Bureau of Fire Protection: Campaign posters, posibleng pagmulan ng sunog
Posted: 3:50 PM  02/16/2010

Binalaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga pulitikong nangangampanya na ayusing mabuti ang pagkakabit ng mga campaign poster para huwag itong pagmulan ng sunog.
 
Inihayag ni Fire Sr. Supt. Pablito Cordeta, director ng BFP-National Capital Region (NCR), na dapat iwasan ng pulitiko ang pagkakabit ng mga campaign poster kung saan-saan lang lalo na kung malapit sa mga kawad ng kuryente.
 
Paliwanag ni Cordeta, dahil sa init ng panahon, posibleng magkaroon ng 'spontaneous combustion' na maaaring pagsimulan ng sunog.
 
Dagdag pa ng opisyal, tatlong elemento lang daw ang kailangan para sumiklab ang sunog, ang panggatong, oxygen at init kaya sa maayos at wastong lugar lang sila dapat maglagay ng mga campaign poster. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement