Saturday, July 31, 2010
DOH, pinag-aaralan kung magdaragdag pa ng measles vaccine
Posted: 4:37 PM  03/06/2010

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagdaragdag pa ng mga bakuna kontra tigdas.

Sa panayam ng DZMM Teleradyo, inihayag ni Dr. Eric Tayag, pinuno ng National Epidemiology Center ng DOH, na pinag-iisipan nila kung daragdagan pa ang bakuna lalo na kung dadami pa ang mga lugar na may outbreak ng measles.

Ipinaalala ni Dr. Tayag na libre lamang ang bakuna sa mga health center at mahalagang mabakunahan ang mga sanggol lalo na yung mga siyam na buwan hanggang bago mag-isang taong gulang.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement