Inanunsyo ng Malacañang ang dagdag pang cabinet appointment kasunod na rin ng pagbibitiw ng ilang miyembro ng gabinete na kandidato sa darating na eleksyon.
Sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza, na itinalaga bilang bagong Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary si Undersecretary Anneli Lontoc.
Si Ginoong Angelo Verdan, ang general manager ng Cebu Ports Authority ang bago namang hepe ng Maritime Industry Authority (MARINA).Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16