Saturday, July 31, 2010
Korte Suprema, nagpalabas ng pitong araw na status quo ante order sa gubernatorial post sa Bulacan
Posted: 3:25 PM  03/09/2010

Nagpalabas ang Korte Suprema ng status quo ante order kaugnay ng gusot sa pwesto ng gobernador ng Bulacan.

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Midas Marquez na nangangahulugan ang naturang kautusan na pansamantala munang mananatili bilang gobernador ng Bulacan si Jonjon Mendoza hanggang hindi nareresolba ng Korte Suprema ang naturang kaso.

Magtatagal ang status quo ante order ng hanggang pitong araw o hanggang Marso 16.

Pagkatapos nito, muling tatalakayin ng Korte Suprema ang usapin at dedesisyunan base sa merito nito.Report from Nelson Lubao, Radyo Patrol 33

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement