Saturday, July 31, 2010
Malacañang, umapelang respetuhin ang pagtatalaga kay Gen. Bangit bilang bagong AFP Chief
Posted: 3:43 PM  03/09/2010

Umapela ang Malacañang na respetuhin ang desisyon ng Pangulong Arroyo na hirangin bilang bagong Armed Forces Chief of Staff si Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit.

Sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza na isang propesyunal na sundalo si Bangit at hawak nito ang pinakamalaking pwersa ng mga sundalo.

Inihayag pa ni Mendoza na sa sandaling ma-appoint ang isang sundalo sa posisyon, nasa institusyon at Konstitusyon ang pokus nito at wala sa appointing authority.

Naniniwala si Mendoza na hindi lilikha ng gulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang appointment ni Bangit dahil isang professional organization ang Sandatahang Lakas at susundin nito ang anumang legal na appointment.

Giit pa ng kalihim, wala ring koneksyon sa eleksyon ang appointment ni Bangit bagamat malaki ang papel ng militar para sa mapayapapang halalan.Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement