Target ng pamahalaan na tapusin ang krisis sa kuryente sa Mindanao sa loob ng apat na buwan.
Sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza, na limang opsyon ang pinag-aaralan ng gabinete, na kinabibilangan ng Department of Energy (DOE), Department of Finance (DOF), Mindanao Development Authority, National Disaster Coordinating Council (NDCC) at pribadong sektor.
Inihayag ni Mendoza na hindi na mangangailangan ng pagpapatibay ng Kongreso ang mga pinag-aaralang opsyon.
Samantala, aminado naman ang kalihim na posibleng tumaas ang presyo ng kuryente sa Mindanao dahil ang pribadong sektor ang papasok sa lease contract o lease agreement para sa dagdag na 200 megawatt power supply sa rehiyon.
Idinagdag naman ni Press Secretary Crispulo 'Jun' Icban, pinag-aaralan din ang pagbabago sa oras ng operasyon ng mga kumpanya sa Mindanao, partikular sa gabi na konti lang ang gumagamit ng kuryente.Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16