Saturday, July 31, 2010
4 na sunog, naitala sa maghapon sa Quezon City at Maynila
Posted: 4:11 PM  03/09/2010

Nakapagtala ng apat na insidente ng sunog sa buong maghapon sa magkahiwalay na mga lugar sa Quezon City at Maynila.

Nasunog ang two-storey building ng Philippine Bed and Furnitures sa Quirino Highway, Barangay Balong-Bato, Quezon City pasado alas onse ng umaga.

Tupok na tupok ang mga nakaimbak na kutson at mwebles, gayundin ang pabrika sa likuran ng gusali.

Sinasabing nagmula ang apoy sa kisame ng quarters ng mga empleyado at electrical systems overload ang nakikitang sanhi ng sunog.

Sa Sampaloc, Maynila, tinatayang 20 kabahayan naman ang tinupok ng apoy sa Samar Street kanto ng Baco-Baco Street, pasado alas dos ng hapon.

Isang napabayaang sinaing mula sa bahay ng isang Benjamin Flores ang sinasabing pinagmulan ng apoy na umakyat sa ikalimang alarma.

Isa namang Junior Mayo ang nagtamo ng minor wound matapos mabagsakan ng kahoy mula sa isang nasusunod na bahay habang isinasalba ang kanilang kagamitan.

Samantala, nasunog rin ang isang squatters' area sa Maginhawa Street kanto ng Leveriza sa likod ng De La Salle University sa Malate, Maynila, dakong alas tres ng hapon.

Hindi pa matukoy kung ilang barung-barong ang nasunog.

Habang inaapula naman ang sunog sa Malate, isa na namang sunog ang sumiklab sa may bahagi ng Capulong St. sa Tondo, Maynila bago mag-alas kwatro ng hapon.Report from Jeffrey Hernaez, Radyo Patrol 41 and Dexter Ganibe

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement