Saturday, July 31, 2010
Pagsasailalim sa state of calamity ng Sarangani Province dahil sa El Niño Phenomenon, inirekomenda ng PDCC
Posted: 4:56 PM  03/09/2010

Inirekomenda ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) ng Sarangani sa mga lokal na opisyal na isailalim na state of calamity ang buong lalawigan dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Sinabi ni PDCC Action Officer Hermelo Latoja na base sa pinakahuling assessment ng Task Force El Niño, na umaabot na sa P18.88 milyon ang pinsala ng tagtuyot sa maisan habang P8.78 milyon ang pinsala sa palayan, partikular sa bayan ng Alabel, Maasim, Malapatan at Malungon.

Bukod dito, 46% na aniya ng 70 libong pamilya sa lalawigan, partikular ang mga nasa sektor ng agrikultura at pangisda, ang apektado na rin ng tag-tuyot.

Inihayag naman ni Sarangani Vice-Governor Steve Solon, na pinag-aaralan na ng sangguniang panlalawigan ang nasabing panukala.Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement