Siyam ang nasawi at 17 ang sugatan nang sumalpok sa punongkahoy ang isang dump truck sa M'lang, Cotabato, pasado alas kwatro kaninang madaling-araw.
Sinabi ni SocSarGen Police Regional Director, Chief Superintendent Josefino Cataluña, na patungo sanang Polomolok ang trak, sakay ang mga biktima nang maaksidente sa Barangay Tapay.
Sa lakas ng pagkakabangga sa puno, tumilapon ang mga pasahero.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng aksidente.Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38