Saturday, July 31, 2010
Pito, patay sa banggaan ng van at pampasaherong bus sa Bataan
Posted: 10:11 AM  03/10/2010

Pito ang nasawi nang magkabanggaan ang isang pampasaherong bus at van sa Limay, Bataan kagabi.

Sinabi ni Bataan Provincial Director, Senior Superintendent Ronald Gunacao na patungong Balanga, galing Mariveles ang isang Kia van nang mag-overtake ito sa isang traysikel sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Barangay Duales, saka sumalpok sa kasalubong na Genesis Bus.

Nabatid pa kay Gunacao na pawang sakay ng van ang mga namatay, kabilang ang dalawang Korean national.

Isa pa aniyang sakay ng van ang nasugatan, gayundin ang isang pasahero ng traysikel na ginagamot na sa Bataan General Hospital.

Idinagdag pa nito na boluntaryo namang sumuko ang drayber ng bus na sasampahan ng kasong 'reckless imprudence resulting in multiple homicide'.Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement