Mas pinaigting pa ng militar ang seguridad sa iba't ibang project site sa Sulu dahil sa serye ng pananabotahe ng grupong Abu Sayyaf sa mga nakaraang araw.
Kagabi, hinarass ng mga bandido ang mga construction worker na nagtatrabaho sa walong kilometrong Malimbaya-Sionogan road project sa Indanan, Sulu.
Sinabi ni Marine Brigade Landing Team 6 commanding officer Robert Velasco na tinangka pa ng mga bandido na sunugin ang mga construction equipment pero nahadlangan ito ng mga nagbabantay na sundalo.
Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng militar sa may kalahating oras na engkwentro bagamat pinaniniwalaang may mga casualty sa panig ng mga bandido dahil sa mga nakitang bakas ng dugo.
Dagdag pa ni Velasco, grupo ni Umbra Jumdail alyas Doktor Abu at Tahil Sali ang nasa likod ng pananalakay.Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38