Kinatigan ng Korte Suprema ang pagiging Pinoy ng Philippine Basketball Association (PBA) player na si Michael 'Mick' Pennisi.
Kasabay ito ng pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng pamahalaan sa pangunguna ni dating Justice Secretary Raul Gonzalez na kumukwesyon sa unang desisyon ng Court of Appeals (CA), pabor kay Pennisi.
Nagmula ang kaso sa rekomendasyon ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports noong 2003 na ipa-deport ang mga PBA player na hindi naman umano mga totoong Pilipino.
Gayunman, napatunayan ni Pennisi na nananatiling isang Pinay ang kanyang nanay na si Anita Quintos kahit nakapangasawa ng isang Australian at nanirahan sa nasabing bansa.
Bukod dito, napagkalooban din si Pennisi ng Bureau of Immigration ng pagkilala bilang isang Filipino citizen, kaya ikinokonsiderang isa siyang Pinoy bagamat sa Australia siya ipinanganak.Report from Nelson Lubao, Radyo Patrol 33