Saturday, July 31, 2010
Dagdag na generation charge sa kuryente ngayong buwan, tinapyasan pa ng ERC
Posted: 3:50 PM  03/10/2010

Tinapyasan pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag sa generation charge sa kuryente ngayong buwan.

Magiging P0.91/kWh o 91 sentimos na lang ito kada kilowatt hour sa halip na P1.38/kWh o piso at 38 sentimos kada kilowatt hour.

Bunga nito, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan, madaragdagan ng P182 ang bayad sa kuryente.

Habang P273 naman ang madaragdag sa bayarin ng mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour at P364 naman ang dagdag-bayarin ng 400 kilowatt hour ang konsumo.

Paliwanag ng ERC, may mga ibinabawas pa sila sa dapat singilin sa generation charge para maibsan ang dagok sa bulsa ng mga consumer.

Bukod sa P0.91 kada kilowatt hour, pinayagan din ang Manila Electric Company (Meralco) na kolektahin ang dagdag na P0.07 o pitong sentimos kada kilowatt hour na kada buwang generation charge simula Abril hanggang Setyembre.Report from Alvin Elchico

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement