Saturday, July 31, 2010
62 pulis na isinasangkot sa Ampatuan, Maguindanao massacre, kinasuhan na sa Napolcom
Posted: 4:02 PM  03/10/2010

Sinampahan na ng kasong administratibo sa National Police Commission (Napolcom) ang 62 police officers na isinasangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Isinampa ang kaso ng 12 kamag-anak ng mga taga-media na kasamang napatay sa naturang masaker.

Nagmula pa ang mga ito sa General Santos City at sinamahan ni Atty. Harry Roque para pormal na isampa ang kaso sa Investigation Division ng Napolcom.

Nais nilang masuspinde, o kaya, maalis sa serbisyo ang tatlong police superintendent at 59 na iba pang police officers na dating nakatalaga sa Maguindanao Provincial Police Office nang maganap ang masaker.

Sinabi ni Roque na tumatayong legal counsel ng mga kamag-anak ng mga napaslang na mamamahayag na ang kinasuhan nilang mga pulis, pawang nakasuhan na rin ng Department of Justice (DOJ).

Hindi aniya sapat na ilipat lang ang mga ito sa ibang lugar dahil malakas umano ang hawak nilang ebidensya na kasabwat din ang mga naturang pulis sa naganap na masaker.Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement