Saturday, July 31, 2010
DTI, makikipagpulong sa Civil Aeronauctics Board at airline companies kaugnay ng panukalang pagrepaso sa 'no refund policy'
Posted: 11:49 AM  03/11/2010

Makikipagpulong ngayong araw ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Civil Aeronautics Board (CAB) kaugnay ng ipinatutupad na 'no refund policy' ng mga airline company sa bansa.

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na tumugon ang CAB sa kanilang liham matapos dagsain ng reklamo ng maraming pasahero dahil sa nasabing panuntunan.

Inihayag pa ni Maglaya na makakasama nila sa pulong ang mga kinatawan ng airline companies para pag-usapan ang panukalang pagrepaso sa 'no refund policy'.

Paliwanag ni Maglaya, karamihan sa mga reklamo, ang mga bumibili ng tiket mula sa promo o budget fare pero walang nakukuhang refund kapag hindi umabot sa 'cut-off' ng 'check-in' sa eroplano.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement