Hindi pa nakikita o nakakausap ng Department of Justice (DOJ) ang lumutang na bagong testigo sa Ampatuan, Maguindanao massacre na sinasabing may direktang partisipasyon sa karumal-dumal na krimeng naganap noong Nobyembre 23.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Fadullon na lahat ng naging pahayag ni 'alyas Jessie', napanood lang nila sa TV at kailangan pa nilang i-validate ito.
Sa ngayon aniya, gumagawa na sila ng hakbang upang personal na makapanayam si 'alyas Jessie' dahil napakahalaga ng testimonya nito kung totoo ang kanyang sinasabi.