Binisita ni bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Delfin Bangit ang AFP Medical Center sa V. Luna Road, Quezon City kaninang umaga.
Sinabi ni Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Burgos na nakipagkita lang si Bangit kay Brig. Gen. Ariel Cerrudo, commanding officer ng AFP Medical Center.
Kabilang aniya sa napag-usapan ng dalawa ang ilang hakbang para ma-'improve' ang health services ng pagamutan.
Nabatid na isa sa prayoridad ni Bangit ang mapabuti ang serbisyo ng ospital na bahagi ng pagsusulong niya ng AFP Modernization Program.Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol