Saturday, July 31, 2010
Comelec at media, bumisita sa National Printing Office para tingnan ang pag-iimprenta ng mga balota
Posted: 12:50 PM  03/11/2010

Pinawi ng Smartmatic-TIM ang pangambang hindi aabot sa deadline ang pag-imprenta ng mahigit 50 milyong balota na gagamitin sa halalan sa Mayo.

Sa ginawang pagbisita ng Commission on Elections (Comelec) sa National Printing Office (NPO), kasama ang media, sinabi ni Cesar Flores ng Smartmatic na umaabot na sa 800 libong balota ang naiimprenta kada araw.

Mas mabilis na aniya ngayon ang pag-imprenta dahil sa pagdating ng dalawang karagdagang printing machine.

Ipinaliwanag din ni Flores na mas napabagal ang unang bugso ng printing dahil inuna ang mga maliliit na probinsya, kaya madalas na inihihinto ang printing para i-reconfigure ang mga printer tuwing magpapalit ng iimprentang lalawigan.

Kaugnay nito, tanging si Senador Ana Consuelo 'Jamby' Madrigal ang dumating sa mga inimbitahang presidential candidate ng Comelec, habang nagpadala lang ng kinatawan ang ibang mga kandidato.

Bukod sa NPO, bibisitahin din ng grupo ang warehouse ng mga precint count optical scan (PCOS) machine sa Cabuyao, Laguna.Report from Nelson Lubao, Radyo Patrol 33

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement