Saturday, July 31, 2010
QCPD, bumuo na ng task force kaugnay ng pamamaril sa isang police superintendent
Posted: 4:28 PM  03/11/2010

Bumuo na ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ng isang task force na tututok sa imbestigasyon sa pamamaril kay Police Superintendent Napoleon Cauyan.

Sinabi ni Supt. Lino Banaag, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, na pamumunuan ni Chief Inspector Benjamin Elenzano ang Task Force Cauyan, kasama ang apat na imbestigador.

Inihayag pa ni Banaag, na nasa stable na kalagayan na si Cauyan na naka-confine pa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center.

Sinabi naman ni Elenzano na hindi na muna siya magbibigay ng pahayag kaugnay sa tinutugaygayan nilang 'lead' sa imbestigasyon sa kaso.Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement