Saturday, July 31, 2010
Pagpapadala ng Amerika ng mga observer sa eleksyon sa Mayo, inihirit ng Fil-Am community
Posted: 4:50 PM  03/11/2010

Hiniling ng mga Filipino-American community leaders sa pamahalaang Amerika na magpadala ito ng mga observer sa eleksyon sa Pilipinas sa Mayo 10.

 

Nagpunta ang isang grupo ng Fil-Am community leaders sa United States (US) State Department at nakausap nila si Secretary of State Hillary Clinton at ibinigay nila rito ang isang sulat na humihiling na magpadala ang US government ng isang observer team para magmonitor ng eleksyon sa Pilipinas.

Nangangamba kasi ang National Federation of Filipino-American Association na baka magkaroon ng failure of election.

Nakausap din nila si New York Congresswoman Carolyn Maloney na ang komite nito ang nag-imbestiga sa Smartmatic noong 2006 kaugnay sa naging problema sa eleksyon sa Chicago.

Inihayag ng grupong pinamunuan ni Loida Nicholas Lewis, na kinakabahan sila dahil sa mga brownout, palpak na precincts count optical machines (PCOS) at mga heneral na nakapalibot daw sa Pangulong Arroyo. With report from Ging Reyes, ABS-CBN News North America Bureau Chief

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement