Inaprubahan na ng Pangulong Arroyo ang pagdedeklara ng ng state of calamity sa Mindanao kaugnay na rin ng nararanasang power crisis.
Ito ang kinumpirma ni Secretary Jesus Dureza, ng Mindanao Development Authority.
Nauna nang inirekomenda ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Pangulong Arroyo ang pagdedeklara ng state of calamity sa rehiyon dahil sa krisis sa kuryente roon na dulot ng El Niño Phenomenon.Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16