Pinawi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng epekto ng patuloy na tagtuyot sa suplay at maging presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Tiniyak ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na walang dapat ipangamba ang publiko dahil handa ang pamahalaan sa anumang pangyayari sakali mang tumagal pa ang epekto ng El Niño Phenomenon.
Sinabi ni Maglaya na may sapat na suplay ng bigas, asukal, at manok sa bansa sa halagang hindi pa lalagpas sa itinakda nilang suggested retail price (SRP).
Nagpatulong din naman ang DTI sa media para sa pagpaparating ng tamang impormasyon sa mamamayan at humiling na itigil na ang mga espekulasyon dahil wala naman itong maitutulong.Report from Jon Ibañez, Radyo Patrol 35