Kinokonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng cloud-seeding sa Metro Manila matapos maranasan ang dalawang araw nang maulap na papawirin.
Sa panayam ng DZMM Radyo Patrol kay Joel Rudinas, Undersecretary for Operations ng DA na target nilang mapaulan sa bahaging malapit sa La Mesa Dam upang madagdagan ang level ng tubig.
Patuloy aniya nilang minomonitor ang cloud formation sa Metro Manila at kapag may namataang 'seedable clouds', agad na sisimulan ang operasyon.
Nabatid na may P30 libo ang badyet ng kagawaran sa bawat oras na cloud-seeding operation kaya mahalaga raw na tiyaking 'seedable clouds' ang sasabuyan ng asin upang tiyak ang pag-ulan.
Sinabi naman ng PAGASA-DOST na dala ng hanging amihan ang ulap sa Metro Manila at posibleng maranasan muli bukas ang makulimlim na panahon.Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol