Saturday, July 31, 2010
PAGASA-DOST: Bicol Region at ilang bahagi ng Southern Tagalog Provinces, inaasahang magiging maulan dahil sa 'cold front'
Posted: 11:00 AM  03/12/2010

Inaasahang magiging maulan ngayong araw sa Bicol Region at ilang bahagi ng Southern Tagalog Provinces dahil tinatawag na 'cold front'.

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Nathaniel Cruz, Deputy Administrator for Operations and Services ng PAGASA-DOST na karaniwan lang naman na makaranas pa rin ng nabanggit na 'weather system' o ang pagsasanib ng malamig na hangin mula sa China at Siberia at mainit na hanging Pasipiko mula sa Pilipinas.

Pero nilinaw ni Cruz na hindi nangangahulugang tapos na ang El Niño Phenomenon.

Katunayan, pwede rin aniyang magkabagyo sa Mayo o Hunyo pero nananatili ang El Niño.

Inihayag pa ni Cruz, na posibleng hanggang ngayon o bukas na lang ang 'cold front' at pagkatapos, balik na sa mainit o maalinsangang panahon.

Samantala, nakaranas din ng pag-ulan sa Cavite at ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng Mandaluyong, Pasig at Quezon City.With report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved. Terms of Use Privacy Statement